Home » Archives » 15. January 2009
Ang Preschool Teacher…bow.
Thursday, January 15, 2009
[I wrote this while i was having my practicum at Nest around 2007. I submitted it as final reflection paper for my FLCD174 class.] 
Ang Preschool Teacher ay parang
Interior Decorator
nag-aayos ng classroom para maging kaaya-aya, masaya at child-friendly ang hitsura
Photographer
hangga’t pwede, kelangan mapicturan ang mga mahahalagang milestones
Choreographer
taga imbento ng actions para sa school program, class presentation at iba pa
TV Show Host
Di dapat nauubusan ng sasabihin at adlib, may sagot sa lahat ng samu’t saring tanong
Party Host/Face Paint Artist/Balloon Twister/Magician
kapag merong may birthday, hala, ang games at kung anu-anong pakulo siya ang bahala
Clown
kelangan pag may umiiyak, mapatahan, hangga’t maaari, sana lahat masaya
Janitor
nagliligpit ng kalat, nagma-mop ng natapon at ng suka, nag-iimis ng classroom pagkatapos ng klase
Basurero/ Magbobote
nangongolekta at nagsusuri ng mga pwede pang i-recycle at gamitin sa art projects (tissue tubes, balik-bayan boxes, lumang tela, atbp)
Yaya
nagpapalit ng diaper, naglilinis ng pwet, nagbibihis at nagpapakain, naglalagay ng bimpo sa likod at tagapunas ng pawis at sipon
Nanay
nag-aalala pag di makapasok ang bata o di makasama sa field trip
taga-yakap at patahan sa malungkot
taga-kiss ng masakit na bukol o sugat
nagtuturo ng tamang asal
nagpapaalala ng wastong pagkain, inumin at paglilinis ng sarili
nasasaktan kapag ang bata ay napipintasan o napapagtawanan
nagkaka-eye bags sa kakapuyat at kakaisip ng gagawin para bukas at paano mag-eenjoy sa klase ang mga bata habang natututo sila
mumuti ang buhok, nagkaka-wrinkles at fine lines sa kunsumisyon kapag minsan mahirap silang pasunurin
abot-langit ang ngiti sabay sabing “anak ko yan!” sa bawat shool program, class play at moving up day
hindi nakakalimot, ilang taon man ang lumipas
para sa kanya, siya pa rin ang baby, ang bata na minahal at inaruga
Oo, hassle ang sangkaterbang logs at nakakapangit at puyat.
Bakit gusto ko pa rin magturo ng mga bata? Simple lang, sa mga bata ako masaya, kahit balang araw, malamang di na nila ko maaalala. Ang importante yung ngayon.
Isang ngiti, isang kiss, isang hug. Ang marinig silang masaya akong tawagin “Teacher Paula!” sabay takbo para ako’y salubungin..sulit na lahat!








