Ang Preschool Teacher…bow.

Thursday, January 15, 2009

 

[I wrote this while i was having my practicum at Nest around 2007. I submitted it as final reflection paper for my FLCD174 class.]

Di hamak na mas malaki ang bayad sa preschool kaysa sa elementary at high school. mas bata, mas mahal ang bayad. Ergo, mataas din ang bayad sa preschool teacher. Eto ang dahilan ng ilan sa mga blockmates ko nung una ko silang tinanong nung first year kami (wag kayong magdeny huy!). Meron pa ngang nagsabi na ang preschool teacher maraming natatanggap na regalo pag may okasyon.Totoo naman talaga lahat. Ngayon matapos ang halos apat na taon, malamang gaya ko, nag-iba na rin ang mga pananaw ng lahat sa pagtuturo sa mga bata.

Ang Preschool Teacher ay parang

Interior Decorator

nag-aayos ng classroom para maging kaaya-aya, masaya at child-friendly ang hitsura

Photographer

hangga’t pwede, kelangan mapicturan ang mga mahahalagang milestones

Choreographer

taga imbento ng actions para sa school program, class presentation at iba pa

TV Show Host

Di dapat nauubusan ng sasabihin at adlib, may sagot sa lahat ng samu’t saring tanong

Party Host/Face Paint Artist/Balloon Twister/Magician

kapag merong may birthday, hala, ang games at kung anu-anong pakulo siya ang bahala

Clown

kelangan pag may umiiyak, mapatahan, hangga’t maaari, sana lahat masaya

Janitor

nagliligpit ng kalat, nagma-mop ng natapon at ng suka, nag-iimis ng classroom pagkatapos ng klase

Basurero/ Magbobote

nangongolekta at nagsusuri ng mga pwede pang i-recycle at gamitin sa art projects (tissue tubes, balik-bayan boxes, lumang tela, atbp)

Yaya

nagpapalit ng diaper, naglilinis ng pwet, nagbibihis at nagpapakain, naglalagay ng bimpo sa likod at tagapunas ng pawis at sipon

Nanay

nag-aalala pag di makapasok ang bata o di makasama sa field trip

taga-yakap at patahan sa malungkot

taga-kiss ng masakit na bukol o sugat

nagtuturo ng tamang asal

nagpapaalala ng wastong pagkain, inumin at paglilinis ng sarili

nasasaktan kapag ang bata ay napipintasan o napapagtawanan

nagkaka-eye bags sa kakapuyat at kakaisip ng gagawin para bukas at paano mag-eenjoy sa klase ang mga bata habang natututo sila

mumuti ang buhok, nagkaka-wrinkles at fine lines sa kunsumisyon kapag minsan mahirap silang pasunurin

abot-langit ang ngiti sabay sabing “anak ko yan!” sa bawat shool program, class play at moving up day

hindi nakakalimot, ilang taon man ang lumipas

para sa kanya, siya pa rin ang baby, ang bata na minahal at inaruga

Oo, hassle ang sangkaterbang logs at nakakapangit at puyat.

Bakit gusto ko pa rin magturo ng mga bata? Simple lang, sa mga bata ako masaya, kahit balang araw, malamang di na nila ko maaalala. Ang importante yung ngayon.

Isang ngiti, isang kiss, isang hug. Ang marinig silang masaya akong tawagin “Teacher Paula!” sabay takbo para ako’y salubungin..sulit na lahat!

 

Posted by teacherpapol at 4:25 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








"I am busy living in the right-now and trying to do my best every day. That to me is succes."
-Yoko Ono

     

January 2009
M T W T F S S
    Feb »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

About Me

I am Paula Garcia and Teacher Papol is just one of the many nicknames I got from the children I’ve worked with through the years. I am currently a First Grade teacher during the day and an MA Psychology student at night.

I like writing during my free time--as a way of destressing and keeping track of the things that go on in my life.

My goal is to share my experiences and ideas about activities, dealing with children and families, resources, etcetera to help my fellow teachers in their journey of touching lives.

 

Recent Photo

Subscribe

Technorati
Bloglines

Site Visitors

TopBlogs