Masayang Magbasa (Aklat Adarna)

Saturday, January 17, 2009

Mahilig akong magbasa. Bago ko pa nakilala sina Shel Silverstein, Eric Carle, Dr. Seuss at Leo Leoni ay nauna kong nagustuhan ang mga aklat sa wikang Filipino tulad ng mga aklat Adarna. Bata pa lang ako, Adarna na ang Adarna kaya laking tuwa ko nang malamang makikita at mababasa na ng mga bata ang mga aklat na aking kinagiliwan (at patuloy na kinagigiliwan). Sa dami na ng nabasa kong aklat Adarna, heto ang sampu sa aking pinakapaborito: 

 

Ang Pambihirang Buhok ni Raquel

sulat ni: Dr. Luis Gatmaitan

guhit ni: Beth Parrocha Doctolero

Napakaganda ng buhok ni Raquel–laging maraming palamuti at magagandang kulay. Labis itong hinahangaan ng kanyang pinsan. Tuklasin natin ang malungkot na sikreto ng buhok ni Raquel.

Ang aklat na ito ay nagtuturo ng katapangan, pagmamahal sa kamag-anak at pag-unawa sa isang uri ng karamdaman.

1998 PBBY-Salanga Writer’s Prize, Honorable Mention

Papel de Liha
 
sulat ni: Ma. Corazon Remigio
 
guhit ni: Beth Parrocha Doctoloreo
 
Gaano ako ka-mahal ni Ina? Ginagawa niya ang lahat para sa akin…kaya ba magaspang ang mga kamay niya?
 
Ang aklat na ito ay pagdiriwang ng walang kapantay na pagmamahal at pag-aaruga ng mga ina
 
1995 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, First Prize
Best Children’s Story 1996 National Book Award, Best Children’s Book
 

 
Bakit Matagal ang Sundo Ko?
 
sulat ni: Kristine Canon
 
guhit ni: Mariano Ching
 
Ano kaya ang nangyari kay Nanay? Bakit kaya hindi pa niya ako nasusundo? Nakalimutan na niya kaya ako?
 
Halos lahat ng bata ay nahuli nang sunduin kahit minsan. Ang aklat na ito ay nagpapakita ng makulay na imahinasyon ng mga sa pag-aalala sa tagal ng sundo nila.
 
2000 PBBY-Salanga Grand Prize Winner 2000 PBBY-Alcala Grand Prize Winner
 
 
Papa’s House, Mama’s House
 
sulat ni: Jean Patindol
 
guhit ni: Mark Ramsel Salvatus III
 
Masaya sa bahay ni Mama. Masaya din sa bahay ni Papa. Pero bakit kailangangan magkaiba sila ng bahay?
 
Ang aklat na ito ay nagpapaliwanag sa usaping paghihiwalay ng mga magulang– na hindi ito dapat maging nakakalungkot sa lahat ng oras.
 
2004 PBBY-Salanga Grand Prize Winner 2004 PBBY-Alcala Grand Prize Winner
 

 
Ang Madyik Silya ni Titoy
 
sulat ni: Rusell Molina
 
guhit ni: Marcus Nada
 
Maraming nararating ang silya ni Titoy. Marami din itong nagagawa–nakapaglalakbay sa ilalim ng tubig at pati sa kalawakan. Ano nga ba ang iniba ng silya niya sa ibang klase ng upuan?
 
Madaling maintindihan ang kalagayan ng mga batang kailangan ng wheelchair dahil sa aklat na ito–na hindi sila gaanong naiiba sa akin at sa iyo.
 
2004 Gintong Aklat Award, Best Children’s Book Runner-Up
 

 
Chenelyn! Chenelyn!
 
sulat ni: Rhandee Garlitos
 
guhit ni: Liza Flores May kapangyarihan si Chenelyn!
 
Lahat nagagawa niyang maayos at malinis. Ano ang halaga ni Chenelyn sa ating buhay?
 
Ang ating mga kasambahay ay maraming naitutulong sa araw-araw na buhay. Sa aklat na lalo nating makikita ang kanilang importansya.
 
2000 Gintong Aklat Award, Best Children’s Book 1998 PBBY-Salanga Writer’s Prize, Honorable Mention
 
 

 
 
Sandosenang Kuya
 
sulat ni: Russell Molina
 
Guhit ni: Hubert Fucio
 
Meron akong isang dosenang kuya, lahat sila iba-iba. Unti-unti silang nawawala. Sino na lang ang matitira?
 
Ang aklat na ito ay nagbibigay buhay sa pagkakaiba ng bawat bata, pagmamahal sa kapwa na parang tunay na magkakapatid maging ito man ay sa bahay ampunan.
 
PBBY Grand Prize - Salanga Writers’ Prize, 2003 PBBY Grand Prize - Alcala Illustrators’ Prize, 2003
 

 
Si Emang Enkantada at ang Tatlong Haragan
 
sulat ni: Rene Villanueva
 
guhit nina: Wilfredo Pollarco, Alfonso Onate
 
Hindi alam ng tatlong haragan paano alagaan ang kalikasan. Matututo sila sa tulong ni Emang Engkantada.
 
Pagmamahal sa kalikasan ang ipinapakita sa aklat na ito. Ano ang mangyayari kung hindi bibigyang halaga ang kapaligiran?
 
 
Si Pagong at Si Matsing
 
muling isinulat ni: Danilo Consumido
 
guhit ni: Hubert Fucio
 
Isang classic na pabulang pambata tungkol sa tusong matsing at mabagal ngunit matalinong pagong.
 
Nagtuturo ito ng pagiging patas sa lahat ng bagay at mabuting pakikipagkaibigan.
 
 
I Don’t Like to Eat!
 
sinulat ni: Excel Dyquiangco
 
guhit ni: Marcus Nada Paborito ng Blue Jays na wordless book. Maaring gumawa ng sariling kwento mula sa mga larawan. Ito ay tungkol sa tamang pagkain at epekto ng junk food sa katawan ng tao.

Posted by teacherpapol at 10:41 pm | permalink | Add comment
"I am busy living in the right-now and trying to do my best every day. That to me is succes."
-Yoko Ono

     

January 2009
M T W T F S S
    Feb »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Sponsored Links

About Me

I am Paula Garcia and Teacher Papol is just one of the many nicknames I got from the children I’ve worked with through the years. I am currently a First Grade teacher during the day and an MA Psychology student at night.

I like writing during my free time--as a way of destressing and keeping track of the things that go on in my life.

My goal is to share my experiences and ideas about activities, dealing with children and families, resources, etcetera to help my fellow teachers in their journey of touching lives.

 

Recent Photo

Subscribe

Technorati
Bloglines

Site Visitors

TopBlogs